Patay sa pamamaril ang isang lalaki na nakilamay lamang noong Miyerkules ng gabi sa Iligan City.

Sa ulat ng GMA News, kinilala ang biktima na si Oliver Sujetado, 20-anyos na taga-Purok 20A, Scions, Tomas Cabili ng lunsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang pamamaril dakong 10:45 ng gabi, sa lamay ng ina ni Barangay Captain Ceravie Siacor.

Nakikilamay umano ang biktima ayon kay Brgy. Captain Siacor, at nasa loob siya ng bahay nang mangyari ang insidente dahil nagpulong sila ng kaniyang mga kapatid tungkol sa pagpapalibing ng kanilang ina.

Agad umano silang lumabas nang makarinig sila ng mga putok. Hindi umano namukhaan ng mga naksaksi ang ang mga salarin dahil nakatakip ang ang mukha nito.

Dagdag ng mga saki, ayon kay Chairman Siacor, agad na tumakas ang mga salarin sa tulong ng nakaabang na motorsiklo na naghihitay.

Nasabi umano ng ina ng biktima na ilang buwan na ang nakalilipas nakatanggap umano ng death threat ang kaniyang anka.

Ayon kay Police Captain Marvin Cajegas, may ilang anggulo ang kanilang tinitingnan na motibo sa insidente, kabilang na ang frat war at love triangle.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.  —Merlyn Manos/LBG, GMA News