Natagpuang patay sa manhole ang isang lalaki sa Bacolod City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Base sa imbestigasyon, Linggo pa huling nakita ang biktimang si Dennis Yangur na nakikipag-inuman sa mga kaibigan.
Dahil sanay na ang kanyang pamilya na madalas hindi umuuwi si Yangur kapag nakainom ay hindi na siya hinanap pa.
Nitong Martes, umalingasaw ang mabahong amoy mula sa manhole. Nang silipin nila ito, tumambad ang bangkay ni Yangur.
Isinailalim na siya sa autopsy.
Ayon sa pulisya, posibleng aksidenteng nahulog sa manhole ang biktima. —KBK, GMA News
