Patay sa sunog ang 5-taong gulang na batang lalaki sa Lapu-Lapu City, Cebu, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kuwento ni Feddy Anhao, tatay ng biktimang si Mon-Harry, iniwan niyang mag-isa ang anak sa bahay nila dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho.

Hanggang sa nabalitaan na lang niyang nasusunog na ang bahay nila.

Problema sa linya ng kuryente ang isa sa mga tinitignang sanhi ng sunog. —KBK, GMA News