Isang 12-anyos na grade 7 student ang nasawi matapos siyang saksakin ng 18-anyos na kaeskwelang grade 11 student sa Negros Occidental.

Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News "Saksi" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Arnel Braza. Nadakip naman ang suspek na si Joseph Durable.

Katwiran ni Durable, nagdilim daw ang kaniyang paningin kaya niya ito nasaksak dahil lagi umano siyang hinahamon ng away ni Braza sa kanilang eskuwelahan sa Talisay City.

Nagtamo ng isang saksak sa sikmura ang biktima.

Pinabulaanan naman ng mga kaibigan at kapatid ni Braza na bully ang biktima.

Mahaharap si Durable sa reklamong murder. --FRJ, GMA News