Patay ang isang sundalo sa pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army sa Sagada, Mountain Province.
Ayon sa 50th infantry battalion, nagpapatrolya ang Army at PNP sa Barangay Aguid dahil sa mga ulat na may NPA na naglalagay umano ng pampasabog sa lugar.
Habang hinahanap ng mga sundalo at pulis ang mga IED, pinaputukan sila ng mga hinihinalang NPA.
Namatay si Corporal Jordan Manawa at sugatan si Private First Class Melvin Ngodes.
Patuloy ang pagtugis sa mga hinihinalang NPA. —NB, GMA News
