Patay na nang matagpuan ang isang Grade-12 student na ilang araw nang nawawala sa Aguilar, pangasinan.

Iniulat sa Unang Balita na nakatali umano ang leeg ng biktima, at may mga sugat at ibinaon pa ang kalahati ng katawan ng biktimang si Michael Cariño malapit sa Agno River.

Kuwento ng lola ng biktima, September 21 nang magpaalam ang kanyang apo na pupunta sa isang inuman.

Mula noon hindi na nakauwi si Michael.

Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at kung sinu-sino ang mga huli niyang nakasama. —LBG, GMA News