Isang sanggol na 11-buwang-gulang ang nasawi matapos mabilaukan umano sa pinadedeng gatas sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa ulat ng GMA News TV "State of the Nation with Jessica Soho" nitong Huwebes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pinadede ng 12- anyos na kapatid ang biktima gamit ang feeding bottle sa kanilang bahay.
Pero ilang sandali lang, nagsuka at namutla na raw ang sanggol kaya isinugod siya sa ospital.
Sinubukan pang i-revive ang sanggol na nangingitim na pero hindi na siya nailigtas.--FRJ, GMA News
