Nasabat ng mga awtoridad ang lagpas 17 kilo o mahigit P3 milyong halaga ng marijuana sa Baguio City, ayon sa isang ulat sa “QRT” ng GMA News TV nitong Martes.

Naaresto ang tatlong suspek na sina Samuel Baldovino, Joseph Brizuela, at Rhyjen Hernandez habang sakay sila ng isang bus na biyaheng Bontoc-Baguio.

Dinala ang mga pinaghihinalaang drug courier sa Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera upang isailalim sa drug test at imbestigasyon.

Wala pang pahayag ang mga suspek. —Julia Mari Ornedo/LDF, GMA News