Isang batang lalaking 5-taong gulang sa Cebu ang ginahasa ng 18-taong gulang nilang kapitbahay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga magulang ng bata matapos itong magsumbong.
Tumakas pa noong una ang suspek na si Leonardo Viceno pero sumuko rin sa mga pulis kalaunan. Aminado naman siya sa kanyang nagawa.
Nahaharap si Viceno sa reklamong statutory rape. —KBK, GMA News
