Patay ang isang 17-taong gulang na tricycle driver matapos pagbabarilin sa Pandi, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Ayon sa pulisya, nasa tapat ng simbahan si John Paul Bonifacio sakay ng kaniyang tricycle nang pagbabarilin siya ng driver ng isang sasakyan.
Dead on the spot si Bonifacio matapos magtamo ng tatlong tama sa ulo.
Ang suspek, nakaalitan umano ni Bonifacio nang magkagitgitan sila sa kalsada.
Nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.
Patuloy pang iniimbestigahan ang krimen. —KBK, GMA News
