Pinarusahan ang isang grupo ng kabataang napag-tripang magkalat sa kalsada sa Biñan, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Sa CCTV, kitang humiwalay ang isa sa mga kabataan, saka dinampot ang isang balot ng basura sabay hagis sa mga kasamang nagbibisikleta.

Sumunod naman ang iba pa at inihagis rin ito hanggang unti-unting tumapon ang basura sa kalsada.

Pero ang mga batang pasaway, 'di nakaligtas sa mga taga-barangay.

Ang kanilang parusa, linisin ang kalsada kung saan sila nagkalat ng basura.
—KBK, GMA News