Isa ang namatay sa rambulan ng dalawang grupo ng tricycle drivers sa labas ng isang mall sa Biñan, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.
Sa cellphone video, makikitang nagsuntukan at nagpambuno ang ilang tricycle drivera. Pati ang asawa ng isa sa mga tsuper, napasugod.
Sa kuha naman ng CCTV, Makikitang itinumba ng isang grupo ang inabandonang tricycle ng hinahabol nilang tsuper.
Namatay sa gitna ng gulo ang tsuper na si Rowel Ancheta matapos matumba at mabagok.
Tatlo na ang naaresto sa gulo.
Isa sa mga iniimbestigahang ugat ng away ay ang agawan sa pasahero. —KBK, GMA News
