Na-food poison umano sa adobo ang isang pamilya sa Malasiqui, Pangasinan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Kuwento ng inang si Mara Jovellanos, nakaranas siya ng pagkahilo at pananakit ng tiyan. Ganito rin daw ang sinapit ng tatlo niyang anak kaya't nagpunta na sila ng ospital.
Galing daw sa kanilang kapitbahay ang karneng baboy na ginamit sa adobo.
Ayon sa mga doktor, posibleng kontaminado ng bacteria ang naturang karne.
Kumuha na sila ng sample nito para suriin. —KBK, GMA News
