Muntik nang maputulan ng maselang bahagi ng katawan ang isang batang dalawang-taong-gulang sa Kalibo, Aklan matapos itong hiwain ng kanilang kapitbahay.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na pinasok ng suspek na may problema raw sa pag-iisip ang bahay kung saan natutulog ang bata at hiniwa ang ari ng biktima.

Natadnan daw ng kapatid ang bata na duguan at umiiyak.

"Naabutan itong batang umiiyak na hawak-hawak 'yung genital part kaya naisugod agad sa St. Jude Hospital," ayon kay Police Leutenant Colonel Richard Mepania, hepe ng Kalibo police.

Hindi raw lubos akalain ng pamilya ng biktima na magagawa iyon ng suspek
dahil madalas pa raw nila itong pinapakain.

Nangako naman daw ng tulong pinansyal ang mga kaanak ng suspek.-- FRJ, GMA News