Isang bangkay ng babae na walang ulo ang nakita sa isang sementeryo sa Talisay, Misamis Oriental. Ang suspek, naaktuhan umanong kinakain ang utak ng babae.
Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Huwebes, sinabing nakagapos ang kamay at walang suot na damit ang biktima nang makita ang bangkay niya sa sementeryo.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na kasama raw ang suspek nang magpunta sa sementeryo.
Naaresto naman ang suspek na nakita raw sa akto na kinakain umano ang utak ng babae.
Umamin umano ang suspek sa krimen at siya na rin ang nagturo kung saan niya itinago ang ulo ang biktima. -- FRJ, GMA News
