Natagpuan sa isang drum ang kalansay ng tao sa Bacolod City, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Martes.

Ayon sa pulisya, isang mangingisda ang nakakita sa drum 300 metro ang layo mula sa dalampasigan.

Low tide daw noon kaya litaw ang drum.

Palaisipan pa ang pagkakakilanlan ng kalansay. —KBK, GMA News