Isang kahon na naglalaman ng fetus ang natagpuan ng isang grupo ng kabataan sa damuhan sa bayan ng Gregorio del Pilar sa lalawigan ng Ilocos Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Nakita ng isang grupo ng kabataang nagpi-picture-picture sa lugar ang kahon kung saan inilagay ang fetus, at agad nila itong ini-report sa mga pulis.

Paghayag nila, bahagyang nakabaon sa lupa ang karton at nang buksan nila ito, tumambad ang labi ng lalaking fetus na nakabalot sa puting tela.

Tinatayang nasa pitong buwang gulang pa lang ang sanggol.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng magulang na nagtapon sa fetus. —LBG, GMA News