Nasakote ng mga awtoridad sa isang drug-bust operation ang isa umanong high-value target sa Iligan City.
Kinilala ang suspek na si Jamil Camid, isang dating councilman ng Barangay Poblacion sa bayan ng Baloi sa lalawigan ng Lanao del Norte.
Nasamsam mula sa suspek ang isang malaking pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa 20 gramo, na may street value na P80,000.
Nakumpiska rin mula sa suspek and isang 500-peso-bill, 79 peraso ng pekeng pera, at ang kaniyang sasakyan na Toyota Corolla sedan.
Pahayag ni Police Major Allan Abalde, matagan na nilang minamanmanan si Camid dahil naririnig na umano nila ang pangalan nito bilang isang drug distributor sa Iligan City.
Dagdag pa ng mga awtoridad, inaalam pa nila kung anong category ang ang suspek, batay sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Baloi sa buong lalawigan, at pati na rin sa buong rehiyon.
"54 yong mga nasa listahan po, at palagi nating mino-monitor. Tapos bina-validate po ng Philippine Drug Enforcement Agency, yan. Ibig sabihin medyo may katagalan na siya sa ganitong trabaho. Tapos continuous kasi yong validation natin.
Tumagging magpaunlak ng panayam ang suspek, at sinabi niyan hihintayin na lamang daw niya ang kaniyang abugado bago siya magsalita.
Nahaharap si Camid sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —Merlyn Manos/LBG, GMA News
