Patay sa hit-and-run ang 73-taong gulang na pedicab driver sa Cavite City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Huli sa CCTV ang pagtilapon ng pedicab matapos mabangga ng SUV.
Patay ang pedicab driver na si Augusto Olaes Sr.
Nagtuloy-tuloy lang ang SUV pero naiwan sa lugar ang logo nito.
May nakakuha ng plate number pero sa ibang sasakyan pala ito nakarehistro.
Nanawagan ang pamilya sa makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng nakabangga. —KBK, GMA News
