Sunod-sunod na namatay ang mga panabong na manok sa Cotabato City nitong nakaraang linggo.

Ang mga manok ay nakitang sinisipon, namamaga ang mukha, nanghihina at naglalaway, ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles.

Ang iba ay nakikita na lamang na nakabulagta at patay na.

Para hindi kumalat ang sakit, sinusunog muna ng mga residente ang mga manok bago ilibing ang mga ito. —KG, GMA News