Patay ang isang lalaking senior citizen matapos hatawin ng dos por dos sa Surigao City, ayon sa Ronda Probinsya portion ng Unang Balita nitong Huwebes.
Inaawat ni Pablito Sumalinog ang pamangkin niyang nakikipag-away sa mister na si Ronald Numancia.
Pero ang pag-awat niya, tila ikinainis ni Numancia kaya hinampas niya ng kahoy sa ulo si Sumalinog.
Nakaganti naman ng saksak si Sumalinog.
Pareho silang dinala sa ospital pero namatay ang senior citizen. —KBK, GMA News
