Ginahasa umano ang isang dalagita ng kanyang nakilala lang sa social media na isa ring menor de edad sa Iligan City, Lanao del Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Inimbitahan daw ang biktima sa isang birthday party kung saan naka-inuman niya ang suspek.

Nang malasing, pinagsamantalahan siya ng dalawang lalaking menor de edad at pagkatapos ay iniwan na lang daw siya doon.

Nadakip ng mga pulis ang mga suspek.

Hawak na ng Department of Social Welfare and Development ang biktima habang nasa Bahay Pag-asa ang dalawang suspek na menor de edad.   —KBK, GMA News