QUEZON - Kanselado na ang pagdiriwang ng masaya at makulay na Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon sa Mayo 15, 2020 dahil sa banta ng COVID-19.
Ang executive order ay inilabas ni Lucban Mayor Olivier Dator.
Kanselado na rin ang ibang gawain na may kinalaman sa paggunita ng Semana Santa.
Hinikayat ng pamahalaang lokal ang pag-iwas ng mga residente sa mga crowded na lugar.
Ayon sa Department of Health, nitong Biyernes ay umabot na sa 64 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nitong Sabado naman ay kinumpirma ng probinsiya ng Batangas na may nagpositibo sa COVID-19, dahilan para umakyat ang bilang ng mga kaso ng novel coronavirus sa nasabing probinsiya sa tatlo.
Samantala, anim na ang naitalang namatay sa Pilipinas dahil sa COVID-19. Ang pinakahuling namatay ay ang isang Pilipinong pasyente sa Cagayan de Oro City. —KG, GMA News
