Arestado ang apat na lalaki na ipinang-shabu raw ang nakuha nilang cash assistance mula sa gobyerno sa Pagsanjan, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Nahuli ng mga pulis sa akto ang mga suspek sa isang sagingan matapos makatanggap ng tip mula sa isang residente.
Umamin ang isa sa mga suspek na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang perang ginamit niyang pambili ng shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia. Nakakulong na sila at nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. --KBK, GMA News
