Namatay sa heat stroke ang isang lalaki sa Dumanjug, Cebu matapos nitong subuking pumila para makakuha ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Lolito  Ferrer  Sr., 56  anyos, ng Barangay Lawaan.

Sa spot report ng pulisya, sinabi na ang ikinamatay ng  matanda ay dahil sa heat stroke.

Natagpuan ang kanyang katawan sa may damuhang bahagi ng kanilang lugar na wala ng buhay bandang 1:20 ng hapon.

Bago ang insidente, maaga daw nagpunta ang lalaki sa multi-purpose building ng kanilang barangay dahil schedule daw kasi  ng pamamahagi ng SAP sa kanilang lugar.

Tanghali na nang nakaramdam daw ito ng gutom kaya nagpasya itong  umuwi muna sa kanila para kumain. - MDM, GMA News