Isang pasyente na gumaling na sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa General Santos City ang nagpositibo ulit, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Nalamang nagpositibo muli si Patient 3,669 matapos ang ikatlong swab test mula ng makalabas siya sa ospital.
Paliwanag naman ng Department of Health, hindi ibig sabihin nito na infectious o nakahahawa pa ang pasyente.
Pero sakali raw na magpakita ulit ng sintomas ang pasyente ay kinakailangan itong sumailalim sa isolation at testing.
Stable naman daw ang pasyente na sumailalim ulit sa 14-day home quarantine. --KBK, GMA News
