Arestado ang isang lolo sa Baao, Camarines Sur dahil umano sa panggagahasa sa sarili niya mismong apong edad 8 taon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Todo-tanggi naman ang lolo sa bintang na ginahasa niya ang apo nang limang beses. Aniya, sa kaniya lumaki ang apo at inalagaan niya ito ng husto.

Nauna nang inaresto ang tiyuhin ng biktima na nanggahasa rin umano sa bata. —KBK, GMA News