Patay ang dalawang baka sa Currimao, Ilocos Norte matapos makuryente, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Pinapastol daw ang mga baka nang madaan sila sa isang ginagawang tulay kung saan naapakan ng mga baka ang isang live wire.

Masuwerteng hindi nadamay ang may-ari ng mga bata na noon ay naka-bota.

Nangako na raw ang contractor ng ginagawang tulay na babayaran ang dalawang bakang namatay. —KBK, GMA News