Palaisipan sa mga otoridad ang mga napadpad na piraso ng eroplano sa baybayin ng Eastern Samar, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Huwebes ng umaga nang makita ang mga plane debris sa bahagi ng bayan ng Mercedes. Kinahapunan naman ay may nakita pang parte ng eroplano sa bayan ng Guiuan na tatlong kilometro ang layo.

Iniimbestigahan na kung saan galing ang nasabing mga parte ng eroplano dahil ayon sa Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center ay wala naman itong natatanggap na report tungkol sa nawawalang eroplano. —KBK, GMA News