Nasira ang isang highway sa Iloilo dahil sa pagguho ng lupa bunsod ng makas na ulan noong  araw ng Linggo sa Western Visayas; hailstorm at buhawi naman ang nanalasa sa isang bayan sa South Cotabato.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, ipinakita sa video ang nasirang highway sa Barangay Teniente sa Iloilo noong nakaraang araw ng Linggo dahil sa malalakas ng pa-ugulan doon.

Agad naman umanong rumesponde ang mga awtoridad at pansamantalang isinara ang highway sa mga motorista.

Samantala umulan naman ng yelong sinlaki ng mgabutil ng mais, at nanalasa rin ang isang buhawi sa Surallah, South Cotabato.

Bumagsak ang ilang puno at bumagsak sa ilang bahay, ayon sa ulat.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa pananalasa ng buhawi. —LBG, GMA News