Arestado ang isang nurse sa Ilocos Norte dahil umano sa pagtutulak ng droga, ayon sa ulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Mark Ewan Balingod, isang empleyado ng Department of Health na naka-assign sa Batac City Health Office.

Sa buy-bust operation nakuha mula sa suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P39,000.

Tumangging magbigay ng pahayag si Balingod. —KBK, GMA News