Nasa  60 na indibidwal ang inaresto sa Minglanilla, Cebu dahil sa paglabag diumano  sa quarantine protocols sa lugar nitong Sabado.

Nadakip sila sa isang simultaneous  Enhancement Managing Police Operation  (SEMPO) na isinagawa ng Minglanilla Municipal Police bandang mula 6 a.m. hanggang 9 a.m.

Karamihan sa nadakip ay  mga mga naglalakad sa kalsada nang walang suot na facemask, sumasakay ng pampasaherong sasakyan na walang face shield, at iyong hindi sumusunod sa physical distancing.

Ang mga nadakip ay pinauwi naman kaagad matapos makapag piyansa ng P500.

Ayon sa hepe ng Minglanilla Municipal Police na si Police Major William Homoc, patuloy  ang kanilang striktong pagbabantay sa mga  taong hindi sumusunod sa minimum health protocols sa lugar.

Iniiwasan daw nila na sumipa muli ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa lugar  at  mabaliwala  pa  ang pagsisikap na ginawa ng lokal na pamahalaan. -MDM, GMA News