Patay ang isang habal-habal driver sa Camarines Sur nang pagsasaksakin ng kanyang pasahero.

Iniulat sa "Unang Balita" nitong Huwebes na nangyari ang isindente sa banyan ng San Jose.

Ayon sa ulat, sinundo pa umano ng driver ang suspek na pasahero.

Ngunit bigla na lamang umanong pinagsasaksak ng suspek ang driver habang papunta na sila sa kanilang destinasyon.

Nakatakbo pa umano ang biktima, ngunit hindi siya nilubayan ng salarin

Tinutugis na ng mga pulis ang suspek. —LBG, GMA News