Walang saplot at naagnas na nang mahukay sa bakuran ng bahay ang 20-anyos na babaeng pitong araw nang nawawala sa Daet, Camarines Norte.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Huwebes, sinabing 20 saksak ang tinamo ng biktima.

Kinilala naman ang suspek na si Arnel­ Siguenza, na umamin sa krimen at siyang nagturo sa kinaroroonan ng bangkay ng biktima.

Ayon kay Siguenza, napatay niya ang biktima dahil sa selos nang makita niyang may ka-chat ito sa internet.

Naulila ng biktima ang limang-taong-gulang na anak.

Mahaharap sa kasong murder ang suspek at aalamin din kung ginahasa ang biktima.--FRJ, GMA News