Patay na nang matagpuan ang isang binatilyo na tumalon sa isang mini-dam sa Orani, Bataan.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT," sinabing niyaya umano ang biktima ng mga kasamahan nitong kabataan na magtungo sa dam noong Martes.

Ngunit ayon sa kanila, hindi na raw ulit lumutang ang binatilyo pagkatalon nito sa dam.

Miyerkoles na nang matagpuang bangkay ang biktima.

Samantala, bangkay din nang matagpuan ang isang babae na palutang-lutang sa dagat sa bayan naman ng Pilar.

Halos naaagnas na ang babae nang marekober ang kaniyang katawan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at sanhi ng pagkamatay ng babae.--FRJ, GMA News