Nakitang palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng 11-anyos na lalaking nalunod sa Chico River sa Bontoc, Mountain province, matapos ang paghahanap simula noong araw ng Linggo.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na matapos ang  mahigit dalawang araw, lumutang ang bangkay ng biktima at nakita ng isang pasahero ng PUV na napadaan sa lugar.

Ayon sa ulat, tumawid sa ilog ang biktima at ang kanyang mga kaibigan gamit ang isang plywood noong araw na Linggo ng tangayin siya nang rumaragasang tubig. —LBG, GMA News