Hindi na muna tatanggap ang lalawigan ng Sulu ng mga Pinoy na uuwi mula sa Sabah, ayon kay Governor Abdusakur Tan, matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa Ministry of Health na posibleng may bagong variant na ng COVID-19 sa Malaysia.

Ayon kay Tan, agad daw siyang nakipag-ugnayan kay COVID-19 National Task Force chief implementer Secretary Carlito Galvez at ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang matulungan sila sa mga dapat gawin.

Mabilis naman daw na tumugon ang IATF kung kaya’t gagawin nila ang lahat ng pagiingat.

Mula sa araw na ito ay hindi na muna sila tatanggap ng mga magtutungo sa Sulu mula sa Malaysia.

Patuloy daw ang kanilang gagawing monitoring. — BM, GMA News