Patay ang 2-anyos na lalaki matapos barilin ng sariling ama sa General Santos City, at namatay din ang tatay matapos magbaril sa sarili.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes na lumalabas sa imbestigasyon na nasa ibang bansa ang asawa ng ama ng bata.

Pero may kinakasama itong ibang babae na siyang ina ng bata.

Hiniwalayan umano ang tatay ng kinakasama nito. Ngunit ayaw nang makipagbalikan ang nanay ng bata.

Nagbanta umano ang tatay na may mangyayari sa kanilang mag-ama kung hindi makipagbalikan ang kinakasama. —LBG, GMA News