Isang oarfish ang napadpad sa baybayin ng Barangay Talin-Talin, Libon, Albay umaga  nitong Biyernes.

Ayon sa mga barangy official may habang apat na metro ang oarfish.

 

Photos courtesy of Elmer Aviso Cañeta
Photos courtesy of Elmer Aviso Cañeta

Bago magtanghali ay itinaboy na pabalik sa malalim na parte ng dagat ang oarfish.

Nagawa pa ng ilang residente na makapagpa-picture sa oarfish.


Taong 2019 ay isang oarfish din  ang napadpad sa parehong lugar. May habang pitong metro ang Oarfish na namatay naman. —LBG, GMA News