Isang 11-anyos na bata ang patay matapos mabaril ng isang security guard sa Cebu City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Dahilan ng guwardiya, nagnanakaw ng bakal ang bata. Pero ayon sa kasama ng biktima ay namamasyal lang sila sa lugar. Ang talaga raw na nagnakaw ay isa nilang kakilala.

Dagdag pa ng kasama ng biktima, nagkataon lang na nasa lugar sila nang paputukan sila ng guwardiya.

Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng biktima, na namatay matapos tamaan ng bala sa leeg.

Samantala, sising-sisi naman daw sa nagawa ang guwardiya. --KBK, GMA News