Sumiklab muli ang sunog sa public market ng Teresa, Rizal nitong Huwebes ng umaga natapos itong maapula noong Miyerkules ng gabi.

Iniulat ni Bam Alegre sa "Unang Balita" na unang sumiklab ang apoy nitong Miyerkules ng gabi at idineklarang fire-out pasado alas-11, matapos itong umabot sa unang alarma.

Ngunit sumiklab muli ang apoy maaga nitong Huwebes at patuloy pang inaapula ng mag bumbero. 

Batay sa pagtataya ng mga taga-Bureau of Fire Protection, aabot sa P4.8 milyon ang halaga ng pinsala sa unang pagsiklab ng sunog.

Patuloy pang inaapula ang apoy maaga nitong Huwebes, at iniibestigahan ang sanhi ng apoy. —LBG, GMA News