Pumanaw sa edad na 124 nitong Lunes ang itinuturing pinakamatandang Filipino na naninirahan sa Kabankalan City sa Negros Occidental.

Ayon sa GMA One Western Visayas, kinumpirma ng mga kaanak ang pagpanaw ni Francisca Susano, na nagdiwang ng kaniyang ika-124 na kaarawan noong September 11.

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang isagawa ang mga hakbang upang maberipika ang mga dokumento tungkol kay Lola Iska upang maideklara siya ng Guinness World Records bilang pinakamatandang tao sa mundo na nabubuhay pa.

Sa kasalukuyan, naninirahan sa Japan ang may hawak ng titulong world's oldest living person sa katauhan ni Kane Tanaka, na isinilang noong 1903.—FRJ, GMA News