Patay ang isang lalaki sa Bangued, Abra matapos makipagbarilan sa mga pulis.

Nakilala ang suspek na si Mark de Guzman, ayon sa ulat ng GMA News nitong Lunes.

Sinita umano ang lalaki ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew.

Sa kuha ng CCTV, makikitang may dalawang lalaki sa harap ng isang bakery.

May dumaan na isang rider at bumalik ito at tila kinausap ang mga lalaki.

Bumaba ang rider habang may isa pang dumating na rider.

Bumunot ng baril ang rider at nagputukan na at tumakbo ito palayo.

Tinugis ang lalaki at nagka-shootout muli sa di kalayuan sa unang pinangyarihan.

Naitakbo pa sa ospital ang suspek ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa mga pulis, nagsasagawa ng monitoring ang mga pulis na nilapitan ni de Guzman dahil sinita siya sa paglabag sa oras ng curfew.

Nasa Alert Level 3 ang Abra hanggang Pebrero 15. Sa ilalim ng Alert Level 3, mas nililimitahan ang paggalaw ng mga residente upang makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19. —KG, GMA News