Hindi na nakalabas ng bahay at nasunog ang isang lalaking 67-anyos sa Pitogo, Quezon nitong Huwebes ng hapon.

Batay sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP-Pitogo), sinabing mag-isang naninirahan ang biktima sa kaniyang bahay sa Barangay Biga.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa napabayaang lutuan na gumagamit ng kahoy na panggatong.

May kalayuan umano sa bayan ang bahay na nasunog.

Maaari umanong inatake sa puso ang biktima kaya  hindi niya nagawang makalabas ng bahay. -- Peewee C. Bacuño/FRJ, GMA News