Kinagiliwan ang dalawang grupo ng mga beki na naglaro ng basketball sa Escalante, Negros Occidental dahil sa kakaibang mga paandar ng dalawang teams.

Sa ulat ng "Unang Balita" nito Huwebes, performance level umano ang paglalaro ng dalawang grupo na tinatawag na "Team Mabini," at "Team Cervantes."

Ayon sa ulat, mga barako kapag tumatakbo at nag-aagawan ng bola sa hardcourt ang mga beking player, pero sa tuwing makaka-shoot mayroon silang bonggang celebratory split at tuma-tumbling pa.

Kay aliw na aliw umano ang audience.

Kwento ng dalawang grupo, gusto nilang ipakita sa publiko na kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki at babae ay kaya ding gawin LGBT community.

At kasama daw sa mga layunin nila ang magpasaya ng mga tao.  —LBG, GMA News