Arestado ang dalawang Chinese na sakay ng isang kotse matapos nilang magtangkang tumakas at iwasan ang isang police checkpoint sa Imus Cavite.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabi ng mga awtoridad na kaagad na hinabol ng police mobile ang mga suspek.

Pero bago naaresto, binangga pa umano ng mga suspek ang police mobile kaya nawasak ang unahan at huling bahagi ng kanilang sasakyan.

Hindi nagbigay ng pahayag ang dalawang Chinese na patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad. --FRJ, GMA News