Nakaranas ng malalakas na pag-ulan, pagbaha at landslide ang ilang lalawigan sa bansa.

Binaha ang Tagbilaran City sa Bohol matapos bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin, pagkidlat at pagkulog.

Samantala, nagka-landslide naman sa bayan ng Besao, Mountain province.

Pansamantalang na apektuhan ng landslide ang isang bahagi ng provincial road doon. 

Maaari na umanong daanan ang kalsada matapos magsagawa ng clearing operation ang mga awtoridad. —LBG, GMA News