Dead on the spot ang isang lalaki matapos malapitang pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Sa CCTV footage galing sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog na ipinalabas sa Unang Balita, makikitang naglalakad sa gilid ng daan ang biktima at may nakasunod sa kanya na lalaking nakapulang t-shirt.

Nang maabutan ang  biktima, agad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan sa likuran ng ulo ang kanyang target.

Agad na tumakas ang salarin. Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Enrique Montilla dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Ayon sa pulisya, tila inabangan ng suspek ang biktima.

Sugal at love triangle ang tinitingnang anggulo ng mga pulis sa krimen. 

Iniimbestigahan na ang pamamaril.  —LBG, GMA News