Arestado ang isang lolo sa Carcar City, Cebu dahil sa panggagahasa umano sa sarili niyang apo, limang taon na ang nakalilipas.

Batay sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, iniulat ng Unang Balita nitong Biyernes na ang mga magulang mismo ng bata ang nagsampa ng reklamo ng statutory rape laban sa suspek.

Limang taon na umano ang nakalilipas ng mangyari ang panggagahasa.

Hinainan ng arrest warrant ang suspek matapos makatanggap ang mga pulis ng impormasyon na bumalik na ito sa kanilang lugar.

Wala pang pahayag ang suspek. —LBG, GMA News