Isang lasing na lalaki ang nasagasaan sa Legazpi City, Albay, matapos humiga sa kalsada, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules mula sa GMA Regional TV Balitang Bicolandia.
Makikita sa video na walang suot na pang-itaas ang lalaki na bigla na lang humiga sa kalsada.
Bagama't naiwasan ng ilang sasakyan ang lalaki, isang SUV ang nakasagasa rito.
Agad namang naitakbo sa ospital ang lalaki pero nang gagamutin na ay bigla raw itong nawala.
Patuloy namang hinahanap ng otoridad ang driver ng nakasagasang SUV. —KBK, GMA News
